Advertisers

Advertisers

Uncle tinuksong ‘supot’, nanaksak

0 228

Advertisers

Uncle tinuksong ‘supot’, nanaksak

Nasa malubha kalagayan ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang tiyuhin na tinukso nitong supot sa bayan ng Altavas, Aklan.
Kinilala ang biktimang si Michael Patricio, 29, habang sumuko naman ang tiyuhin nitong si Joel Patricio, 60, kapwa residente ng Lupo, Altavas.
Sa report, 8:30 Huwebes ng gabi nang maganap ang pananaksak sa bahay ni Joel.
Ayon sa ulat, nag-iinuman ang magtiyuhin at nang malasing nagkabiruan ang dalawa at sinabihan ng batang Patricio ang tiyuhin na supot na ikinapikon ng matanda.
Kumuha ng patalim ang suspek at itinusok sa tiyan ng pamangkin.
Nagkaroon na ng pag-uusap ang pamilya kung tuluyang kakasuhan ang matandang Patricio.(PFT team)