Advertisers

Advertisers

Covid update: 566 gumaling; 42 namatay; 4,040 bagong kaso

0 252

Advertisers

UMABOT sa 4,040 ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-4 ng hapon nitong Biyernes, September 11.

Base sa DOH COVID 19 case bulletin no.181, umabot na sa 252, 964 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,196 new cases.,sinundan ng Region 4 -A , 640 , Region 3, 244 at ang 2,754 ay naitala sa nakalipas na 14 na araw mula Agosto 29 hanggang Setyembre 11.



Nakapagtala naman ang DOH ng 566 na bagong gumaling mula sa covid-19 kaya umabot na sa 186, 606 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.

Habang may 42 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus kaya umabot na sa 4 ,108 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang virus. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)