Advertisers
“DON’T make it appear na pinahahalagahan ninyo ang kapakanan namin (Manilans) kesa sa pinahahalagahan namin ang kapakanan namin. Di kayo ‘knight in shining armor.’ We are excited to benefit from it but we guarantee, if there is any violation of environmental protection or laws, we will act but so far, maliwanag na walang panganib.”
Ito ang naging resbak ni Manila Mayor Isko Moreno sa napakaraming tumututol at biglaang naging specialist experts sa isyu ng white sand at dolomites na umano’y may panganib na idudulot sa mga residente ng Maynila ng Manila Bay white sand project.
Ikinatwiran ng alkalde na ang proyekto ay hindi basta na lamang ipinatupad nang hindi pinag-iisipan. Aniya, ang proyekto ay nagsimula dalawang taon na ang nakararaan at bahagi ng 2020 budget na iniharap sa mga mambabatas na ang ilan ay nagpapahayag oposisyon sa proyekto ngayon.
“There must be a valid reason to stop this project. Baka nakakaligtaan natin, rehabilitation ito of the entire Manila Bay and you’re talking of Manila alone. It is composed of many provinces, municipalities and cities and this is just the beginning that’s why we are very grateful. The attention of many was drawn because white sand. What if it was black sand?” pahayag ni Moreno na napuna rin na may 20 taon nang nakikipaglaban ang mga environmentalists para sa malinis na Manila Bay at unfair naman kung ang proyekto ay ititigil.
“You have to trust the government… it doesn’t make sense that the DENR tasked to protect the environment will lead in destroying it,” dagdag ng alkalde na binigyang diin din na mismong ang Department of Health (DOH) ay nag-isyu na ng pahayag na hindi mako-kompromiso ang kaligtasan ng publiko sa pagdating sa usapin ng dolomite.
Ayon pa kay Moreno, may mga hakbang ng ginagawa upang tiyakin na ang white sand ay hindi anurin o tangayin sa panahon ng bagyo o may malalaking alon.
Idinagdag pa ni Moreno na ang buong proyekto ay hindi lamang paglalagay ng puting buhangin kundi ang total rehabilitation ng baybayin at paglalagay ng sewerage treatment plant.
Ayon pa kay Moreno, ang rehabilitation project ay nagsimula na ilang buwan bago pa siya manungkulan bilang alkalde ng Maynila 2019. Sinabi pa ng alkalde na walang saysay ang mga nagsasabi na dapat ay ibinili na lang ng bigas ang perang ginamit sa proyekto sa halip na ibinili ng buhangin.
“It was started two years ago and no one talked about it. If will experience what our lolos and lolas experienced in the heydays of the Manila Bay which was clean and where there are fishes, siguro ‘yun na ang regalo natin sa next generation. Imagine, a highly-urbanized area with a beach. It is a good atttaction for the city, good for business, employment and the inhabitants,” ayon pa kay Moreno. (ANDI GARCIA)