Advertisers
INAMIN ni Kapuso actress Sanya Lopez na isinakripisyo niya ang kanyang ‘love life’ upang maipatayo ang kanyang dream house.
Sinariwa ng ‘Encantadia’ star ang pinagdaanan niya bago nakabili ng sariling bahay sa Quezon City.
“Dati kasi, para akong nakatira sa isang maliit na apartment, sa Valenzuela ‘yon, isang room lang tapos paglabas mo, nandoon na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit,” kuwento ni Sanya sa 24 Oras.
“Biggest sacrifice siguro hindi ko [naging priority] ‘yung lovelife. Pero feeling ko malaking factor talaga ‘yung love life pagdating sa pag-iipon for me, kasi siguro kung siningit ko ‘yun, hindi ako masyadong focus,” dagdag pa niya.
Ngayong Biyernes (September 11) ay mapapanood si Sanya kasama si Thea Tolentino sa Mars Pa More hosted by Camille Prats at Iya Villania. Tutukan ‘yan ngayong Biyernes na, 8:45AM, sa GMA-7!
***
Willie Revillame may maagang pamasko sa Wowowin
May bagong larong dapat abangan sa ‘Tutok to Win’ sa Wowowin – ang ‘Spin A Wil’!
Noong September 4, ipinakita mismo ng TV host na si Willie Revillame kung paano laruin ang ‘Spin A Wil.’
Paliwanag ni Willie, ang mapalad na matatawagan para sa bagong laro ay mananalo agad ng PhP 10,000. Kapag tama naman ang sagot sa tanong ni Willie, magkakaroon ang viewer ng pagkakataong paikutin ang roleta.
Makikita sa roleta ang mga big time na papremyo. Maaaring manalo ng PhP 10,000, PhP 20,000, PhP 30,000, PhP 50,000, PhP 100,000, Wil Kart, Kitchen Showcase, Living Room Showcase, at Electronics Showcase.
Excited na ba kayo, mga Kapuso? Abangan ang Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa. (BKC)