Advertisers

Advertisers

Wala nang SAP sa 2021 – Palasyo

0 300

Advertisers

IDINEPENSA ng Malacañang ang desisyon ng gobyerno na hindi na mamahagi ng cash assistance sa mga pinakaapektadong sektor sa COVID-19 pandemic sa 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na kailangan ang Special Amelioration Program (SAP) dahil hindi na magpapatupad ng malawakang lockdown kundi localized na lamang.
“Hindi na po natin sila bibigyan ng ayuda dahil ang ating istratehiya na nga po ngayon ay localized lockdown,” ani Sec. Roque.
Pahayag ni Roque, magbibigay pa rin naman ng pautang ang gobyerno sa mga apektadong sektor sa oras na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2.
Una nang sinabi ni Budget Sec. Wendel Avisado sa mga mambabatas na tuloy pa rin ang regular programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng panukalang P4.506-trillion national budget para sa 2021.