Advertisers

Advertisers

Lider ng local terrorist group at utol patay engkuwentro

0 245

Advertisers

NAPATAY sa ikinasang law enforcement operation ng militar at pulisya ang isang lider ng local terrorist group at kapatid nito sa Barangay Lamsugod, Surallah, South Cotabato, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na si Jeoffrey Nilong alyas “Momoy”, lider ng teroristang grupo; at kapatid na si Amen Nilong.
Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion at Surallah Municipal Police Station ang operasyon nitong Miyerkules at nagkaroon ng palitan ng putukan na ikinasawi ng magkapatid.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, Joint Task Force Central Commander, ang grupo ni Jeoffrey Nilong ang responsable sa serye ng pagsabog sa Maguindanao at Sultan Kudarat.(PFT team)