Advertisers

Advertisers

Bill ni Tito Sen, at ang mga ‘bogus’ na testigo ng PECO

0 452

Advertisers

MAGANDA itong isinusulong na Bill ni “Tito Sen” (Senador Tito Sotto).

Nakasaad sa Bill ang mandato ng government employees at officials na magsumite ng kanilang health certificate kada taon para malaman kung fit pa itong magtrabaho o kailangan nang mag-resign para sa kanyang kalusugan.

Hindi lang malinaw sa Bill na ito ni Tito Sen kung kasama ang presidente ng bansa na magsumite ng kanyang health certificate. Dapat!



Sa tingin ko, kaya naisipan ni Tito Sen magpanday ng ganitong Bill ay dahil sa mga isyu sa kalusugan ni Pangulong Rody Duterte na lingguhan lang kung sumulpot at alanganing oras pa sa gabi, kungsaan edited pa ang video at kanyang speech.

Maaring ginawang basehan din sa pag-akda sa Bill na ito ang naging rason ng biglang pag-leave (para raw magpa-chemo) na kalaunan ay nagbitiw na si ex-Philhealth President Ricardo Morales sa gitna ng imbestigasyon sa “pandemya ng korapsyon” sa state insurer.

Wish ko ay maipasa agad ang napapanahong Bill na ito ni Tito Sen. Bravo!

***

HINDI lang “fake news” ang uso ngayong panahon ng digital. Uso narin ang pagsubo sa korte ng mga “bogus” na testigo.



Tulad dito sa legal battle ng Panay Electric Company at More Electric and Power Corp (More Power). Pumalag ang orig na mga kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente Inc(KBK) laban sa paggamit ng PECO sa kanilang grupo para wasakin ang kalabang distribution utility na More Power.

Binira rin ng grupo ang dalawang personalidad na “sumususo” sa PECO na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na nagpapakilalang “convenor” ng grupo na sabi ng una’y mga “peke” at kapwa walang koneksyon sa KBK.

Sina Aquino at Supena ay makailang beses nang humarap sa virtual conference ng PECO at ipinangangalandakan na lehitimong opisyal sila ng KBK at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City tulad ng pagdoble ng insidente ng brownouts at pagtaas ng system loss, at sinusulsulan nila ang Energy Regulatory Commission(ERC) na magpatupad ng refund.

Sabi ng orihinal na Presidente ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na gibain ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad, ‘di yung gamitin ang kanilang libong miyembro.

“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission.We did not give them that mandate.For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members”, paliwanag ni Alcarde.

Para itama ang maling gawain nina Aquino at Supena, magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC na hindi sintim-yento ng consumer group ang mga isyung ibinibintang laban sa More Power, gayundin inihahanda nila ang posibleng kasong ihaharap laban sa dalawa upang ‘di na tuluyan pang magamit ang kanilang grupo.

Sinabi pa ni Alcarde na mali ang ipinalalabas na mga paninira ng PECO dahil mismong sila na consumers ang makapagpapatunay na umayos ang power suppply nang magtake-over ang More Power 6 months ago.

Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission(SEC) ay koalisyon ng iba’t ibang organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents associaion, jeepney and operators association at advocacy group na Bawal ang Korap.