Advertisers

Advertisers

Isolation facility ‘sinunog’ ng COVID-19 patient

0 250

Advertisers

LUMIYAB ang lamesa sa loob ng isang kuwarto ng isolation facility sa San Manuel, Pangasinan nang umano’y sunugin ito ng 85-anyos na pasyenteng positibo sa COVID-19 na hindi pinayagan makalabas.
Sa ulat, una’y tumakas ang pasyente sa ospital at nakitang pakalat-kalat sa harapan ng munisipyo.
Kumilos ang mga awtoridad na kunin ang pasyente na asymptomatic o walang sintomas ng sakit at dinala sa naturang isolation facility sa Barangay Guiset Sur.
Paliwanag ng pasyente, nagmula ang sunog sa isang nakasinding katol.
Naagapan naman ang sunog kaya naisalba ang buong pasilidad.
Ibinalik nalang sa ospital ang pasyente.
Mangangalap pa ng testimonya sa mga saksi ang mga awtoridad kung nararapat sampahan ng kaso ang pasyente.(Ace Ramales)