Advertisers

Advertisers

Lakers, Clippers on Collision Course

0 231

Advertisers

Mukhang matutupad ang inaabangan ng marami na banggaan sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers sa nagaganap na NBA playoffs.

Kapwa lamang sa kanilang series ang dalawa at barring unforeseen circumstances ay mukhang sila na nga ang maghaharap sa finals ng Western Conference.



Vintage LeBron ang ating nakita sa Game 3 ng kanilang best-of-seven series against the Houston Rockets. He was scoring at will in the first half with 29 points at sunud-sunod na defensive highlights naman ang ipinamalas niya sa third quarter kung saan meron siyang four shot blocks.

Pero ang biggest revelation sa series ay ang nagbabalik na si Rajon Rondo. After his shaky comeback game noong Game 1 ay dalawang sunod na laro na maganda ang ipinakita ng beteranong point guard.

Two timely three-pointers ang ibinuslo ni Rondo sa fourth quarter ng Game 3 para pangunahan ang breakaway ng Lakers.

Si Rondo ang tumatayong X-Factor sa Lakers dahil bukod kay LeBron ay si Rondo lang ang kayang mag-organisa sa opensiba ng Lakers.

Madalas dati na magulo ang takbo ng opensa ng Lakers kapag nakaupo si LeBron. Pero ngayong andiyan na ulit si Rondo ay hindi na nawiwindang ang Lakers kapag nagpapahinga ang kanilang best player.



Nanood sa Game 3 ang coach ng Clippers na si Doc Rivers at nakita niya ang impact sa laro ni Rondo na starting point guard niya sa Boston Celtics noong nag-kampeon sila more than a decade ago.

Overwhelming favorite rin ang Clippers na umusad sa WCF matapos nilang umangat against the Denver Nuggets, 2 – 1.

Sa Game 3 ay ipinakita ni Paul George kung bakit gusto siyang makasama ni Kawhi Leonard sa team. Bukod sa pangunguna niya sa opensa ng Clippers ay si George din ang bumantay at nagpahirap kay Jamal Murray ng Nuggets.

Samantala, tuluyan nang tinuldukan ng Miami Heat ang serye nila against the top-seeded Milwaukee Bucks. Makakalaban nila sa Eastern Conference Finals ang mananalo sa Boston Celtics-Toronto Raptors series kung saan lamang ang Boston, 3-2.