Advertisers

Advertisers

P20m imported yosi mula China nasabat sa MisOr

0 233

Advertisers

WINASAK ng Bureau of Customs (BoC) ang nasa P20.7 milyong halaga ng assorted imported cigarettes na nasabat sa daungan ng Mindanao Container Terminal ng Tagoloan, Misamis Oriental nitong Miyerkules.
Inihayag ni Mindanao Container Terminal collector John Simon na ang nasabing mga sigarilyo ay kanilang naharang sa magkaibang daungan na sakop ng rehiyon at pinag-isang dinala sa Cagayan de Oro City para sabay-sabay na wasakin.
Inihayag ni Simon na higit sa 10 consignees ang nakasaad sa mga dokumento na hawak nila, subalit kahit isa ay walang nagpapakita upang magbigay paliwanag kung bakit nagpasok sila ng mga produkto na walang duties and taxes.
Una rito, nasa 2,150 reams o 188,824 pakete ng assorted cigarettes ang sinira ng gobyerno sa loob ng isang warehouse ng Barangay Bayabas sa Cagayan de Oro, Huwebes ng umaga.(Jocelyn Domenden)