Advertisers

Advertisers

Raptors nasilat ang Celtics sa Game 6

0 245

Advertisers

NASILAT ng Toronto Raptors ang Boston upang itabla ang series sa pamamagitan ng 125-122 double-overtime tagumpay kahapon sa NBA playoffs.
Pinamunuan ni Kyle Lowry ang opensiba ng Toronto sa kinamadang 33 points at Norman Powell na nagdagdag ng 23 off the bench.
Naitabla ng defending champion Raptors ang best-of-seven Eastern Conference semi-finals na ang mananalo sa Game 7 na nakatakda ngayong Biyernes, ay makakaharap sa Finals ang Miami.
“We play every possession like it’s our last and find ways to pull out victories,” wika ni Lowry matapos maglaro ng 53 minutes.
“That was two hard teams playing hard. Win or go home. Get it done. Don’t matter who has to do it. Ready for game seven.”
Nasungkit ng Raptors ang kanilang unang NBA crown last season pero ang NBA Finals Most Valuable Player Kawhi Leonard ay sumibat sa off-season lumipat sa Los Angeles Cippers, na dinaig ang Denver 96-85, sa Western Conference semi-final para masikwat ang 3-1 lamang kontra Nuggets.
Nagtala si Leonard sa kanyang first career NBA playoff triple-double na 30 points, 11 rebounds at nine assists upang pamunuan ang Clippers, na [puwedeng umabante sa finals sa Biyernes.
Brown umiskor ng 31 points at humatak ng 16 rebounds para pamunuan ang Boston. Habang si Tatum nagdagdag ng 29 points, 14 rebounds at nine assists, habang si Smart nagtala ng ikalawang career triple-double na 23 points, 11 rebounds at 10 assists.
Fred VanVleet umiskor ng 21 points para sa Toronto, at German center Daniel Theis may 18 points para sa Boston.
“They are defending champs. We’ll get their best every time,” sambit ni Boston’s Kemba Walker “We fought hard. We made plays. I’m confident. We have a good group of guys. I know we will respond. We have to find a way.”
Jokic umiskor ng 26 points at 11 rebounds para sa Denver.