Advertisers

Advertisers

Bong Go, patuloy na isusumbong ang mga katiwalian kay PRRD

0 280

Advertisers

NANGAKO si Senator Christopher “Bong” Go na patuloy na susundin ang payo sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isumbong sa Punong Ehekutibo ang mga matutuklasan niyang iregularidad o paglustay sa salaping bayan.

“Alam n’yo po, parati naming napag-uusapan ni Pangulong Duterte lalung-lalo na sabi nya, ‘Bong, sa nalalabi kong isang taon at siyam na buwan’, lalabanan daw talaga niya ‘yung korapsyon. Lalabanan namin ang korapsyon sa gobyerno,” sabi ni Go sa isang radio interview.

“Palagi niyang paalala sa akin: unahin mo lang ang interes ng bawat Pilipino — hindi ka magkakamali dyan,” ibinahagi niya.



Tiniyak din ni Go na hindi magiging hadlang ang pagkakaibigan at pulitika sa kampanya ng Pangulo laban sa korapsyon.

“Sabi niya na walang pipiliin, walang kaibigan kahit na sino, kahit na kaibigan natin, kahit na tumulong noong kampanya, kahit na kasamahan natin, pag pumasok sa korapsyon ay lalabanan namin,” ani Go.

“At sabi niya, we cannot afford na merong ganong mga makakalusot, lalung-lalo na sa kanyang mga gabinete at sa kanyang administrasyon. Dahil iyan po ang makakasira. Nabanggit niya ‘masisira tayo niyan’,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Go na isang rasonableng tao ang Pangulo at kinikilala ang mga taong nagtatrabaho nang maayos para sa publiko.

“Ibig sabihin gawin mo lang ‘yung tama, gawin mo lang kung ano ‘yung para sa interes ng bawat Pilipino… lagi niyang sinasabi sa mga appointees n’ya: just do what is right and avoid corruption,” aniya.



Matatandang sinabi ng senador na hindi siya mangingiming magsalita na mistulang oposisyon pagdating sa isyu ng korapsyon para malaman ng taongbayan kung sino ang mga gumagawa ng mali at sila ay mapanagot.

“As a legislator, parte ng mandato ko ang mag-fiscalize at siguraduhin na nasusunod o naiimplementa ang mga batas. Sa mga kasamahan ko sa gobyerno, kahit magkaalyado tayo, basta may mali, magsasalita po ako. Umabot na sa punto na sinabihan ako ng Pangulo na ‘to talk like an opposition’ kapag corruption na ang pinag-uusapan,” aniya.

“Sabi ko nga noon, kung hindi lang magagalit ang human rights advocates, dapat pilayan o putulin ang daliri o kamay ng mga corrupt para matigil talaga ang kalokohan,” patuloy niya.

Anang mambabatas, ang giyera laban sa korapsyon ay dapat magpatuloy dahil ang “systemic corruption” aniya ay mistulang sakit na kailangan ding magamot.

“Ang walang katapusang korapsyon ay para ring pandemya. Kailangan talaga magkaroon ng bakuna o gamot na tatalab para matanggal ang sakit na sumisira sa integridad ng gobyerno at sa kalidad ng serbisyo na dapat natatanggap ng mga Pilipino,” ani Go. (PFT Team)