Advertisers

Advertisers

Bunga ng pagbabalik-loob

0 306

Advertisers

Nagsimula sila noong June 4, 2020 sa kasagsagan ng pandemiyang dulot ng virus na COVID-19, nang itanim nila ang mga punla ng chilli pepper, talong at papaya sa isang ektaryang lupain sa Sitio Dimanagsag, Barangay Calabuanan ng Baler, Aurora.

Kasama ang mga sundalong nabibilang sa 91st Infantry (Sinagtala) Battalion ng Philippine Army, ang mga dating Komunistang mandirigma o rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan ang nanguna sa pagtatanim ng 4,500 na punla ng chilli pepper, isang libong talong at 150 puno ng papaya. At matapos ang dalawang buwan lamang, ay nagbalik na sila sa taniman upang anihin na ang mga ibinunga ng kanilang mga pagod.

Pangunahing panauhin pa ay si mismong Brig. Gen. Andrew Costelo, commander ng 703rd Infantry (Agila) Brigade sa tinatawag nilang Sinagtala Farm 2nd Harvest Festival noong Biyernes (September 4,2020) nang anihin ang mga itinanim na mga gulay at iba pang mga agricultural crops ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga tropa ng pamahalaan sa ilalim ng Sinagtala Brigade.



Sa tuwa nga ng Philippine Army commander, inanyayahan ni Brig. Gen. Costelo ang mga natitira pang mga rebeldeng NPA na mga nasa kabundukan pa, na sundin ang mga yapak ng kanilang mga ‘comrade’ na inabandona na ang terorista at komunista nilang samahan upang magbagong buhay na at magbalik sa normal na pamumuhay kapiling ang kani-kanilang pamilya at dating komunidad na ginagalawan.

Nagbigay pugay din si Costelo sa 91st Infantry (Sinagtala) at hinangaan ang pagsusumikap ng mga tropa ng pamahalaan upang agapayan at tulungan ang mga dating rebelde na maging kapaki-pakinabang na miyembro muli ng lipunan sa pamamagitan o bilang magtatanim.

Ikinatuwa rin ng Brig. General ang pahayag ng mga dating rebelde sa kanilang mga na-experience at natutunan na kanilang magagamit sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

Ang mga sundalo natin sa Sinagtala Infantry at mga dating rebeldeng NPA ay naka-ani ng 60 kilo ng chili pepper, at sampung kilo ng talong. At ang pinaka-magandang nagawa ng ating mga tropa ng pamahalaan ay ang maitanim sa mga dating rebelde ang mga paraan ng paghahalaman at pagtatanim. Mga teknik ika nga kung paano magpalago ng prutas at gulay sa pamamagitan ng tamang pagtatanim.

Sa paliwanag nga ni Lt. Col. Reandrew Rubio, 91B commanding officer, ay nagsabing ang programa ay pinagtulong-tulungan ng provincial goverment ng Aurora at iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng “Plant, Plant, Plant” program ng nasyunal na pamahalaan na nakatuon sa kapakanan ng mga dating rebelde upang ihanda sila sa kanilang pagbabalik sa normal na buhay, sa kanilang pamilya at komunidad.



Nagbunga nga ang kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan. Hindi rin nila ito matututunan kung laging armas at maling paniniwala sa maling pakikibaka ang kanilang tutugunan ngunit kumakalam naman ang kanilang mga sikmura.