Advertisers

Advertisers

Senados binuntutan mula bahay sa Laguna bago tinumba sa Manila – NB

0 364

Advertisers

NAGPALABAS ng panibagong lead ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pananambang kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sinundan ng mga salarin si Senados mula sa kanyang bahay sa Laguna bago ito barilin habang papunta ito sa kanyang trabaho.
“As of last Friday, the NBI had gathered and examined CCTV (closed-circuit television camera) footages showing that the victim had been tailed all the way from Laguna. The NBI also obtained copies of various reports and photographs from the PNP,” ayon kay Guevarra.
Dagdag pa ng kalihim, nakatakdang magsumite ang NBI ng panibagong ulat ngayong lingo sa nasabing kaso.
Base sa inisyal ng imbestigasyon ng NBI, kinumpirma nilang ang plaka ng Mitsubishi Montero sports utility vehicle (SUV) na ginamit ng mga salarin sa nasabing krimen ay peke.
Si Senados ay binaril habang nasa loob ng kanyang pulang Toyota Yaris sa kanto ng Anakbayan St. at Quirino Avenue sa Maynila, Hulyo 7. (Jocelyn Domenden)