Advertisers
NAGREAK si Angelica Panganiban sa panghihimasok ng MTRCB sa ilan pang channel na pinaglalabasan ng mga film like Neflix.
May sitsit kasi na tila panghihimasukan na rin daw ng MTRCB ang pagre-regulate sa mga programa.
Kaya naman nangangamba ang aktres na ang iba pang TV outlet ng Kapamilya channel ay maapektuhan sa bagong hakbang ng MTRCB.
Kaya ganun na lang ang pangamba ng maraming artista partikular sa mga Kapamilya artist at isa na nga rito si Angelica na napareak sa pakikialam naman ng nasabing ahensiya sa mga palabas sa Netflix.
May pangamba si Angelica na pati ang IWant at mga livestream ng ABS-CBN ay panghimasukan na rin ng MTRCB.
Talaga nga raw pinapatay na ang showbiz industry.
***
BB Gandanghari na-bash, tantanan na raw si Piolo Pascual
GINAGAWA raw kontrobersyal ni BB Gandanghari ang kanyang mga vlog sa YouTube channel.
Alam na nga raw this na isa
sa pinagkakakitaan ni BB ay ang maging hot at hit ang kanyang topic sa YT.
Kaya naman si Piolo Pascual daw ang isinama nito sa kanyang vlog at noon nga raw na si Rustom Padilla pa siya ay may never daw itong ma-forget sa sikat na hunk actor.
Pero nag-react ang mga netizen at na-bash na rin si BB na tigilan na raw nito si Piolo para makakuha ng maraming views sa kanyang vlog.
Ilan pa umano sa ginawa nito ng mainit na usapin sa kanyang vlog ay si Carmina Villaroel na ex-wife nito, ang hipag na si Mariel Rodriguez, ang kapatid na si Robin Padilla at lately ay si Vice Ganda.
Hindi lingid sa kaalaman ng netizens na isa sa pinagkikitaan ni BB bukod sa kanyang pagiging driver ay ang kanyang pagba-vlog.
Pero hindi na nagustuhan ng followers ni Piolo na nasama ang kanilang idolo sa vlog ni BB kaya sinabihan ito na tigilan na ang aktor at kung tumaas man ang views nito dahil kay Papa P eh enough na ang pagpapa-kontrobersyal sa kanyang vlog.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)