Advertisers
PINASARINGAN ni Bise Presidente Leni Robredo na unjust, unfair ang absolute pardon na iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na convicted sa kasong pagpaslang sa transgender na si Jennifer Laude.
Ayon kay Robredo ang kasong ito umano’y isa sa maraming patunay ng pagkiling sa makapangyarihan na nakikita mula sa pamahalaan.
Nanindigan si Robrero na hindi umano makatarungan ang paggawad ng Pangulo ng absolute pardon sa sentensiyadong Amerikanong sundalo.
Ayon pa kay Robredo, napakaraming mga Pilipino na mas magaan ang sentensiya, ngunit hindi napagkakalooban ng absolute pardon mula sa Punong Ehekutibo.
“Ang nakikita natin: Kapag mahirap may parusa, kapag mayaman at nasa poder, malaya. We continue to hope that the President exercises his vast powers in a manner that is fair and that benefits the common Filipino,” ani Robredo. (Josephine Patricio)