Advertisers

Advertisers

DND may higit P100m covid funds di nagagamit

0 241

Advertisers

AMINADO ang Department of National Defense (DND) na sa ngayon ay P176.9 milyon pa ang hawak nilang pera na natira sa pondo nito para sa COVID-19 response.
Ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana na ang naturang natitirang pondo ay kanilang gagamitin sa mga susunod na buwan.
Sa budget hearing sa Kamara, inilahad ni Lorenzana na nabigyan ang DND ng P979.3 billion na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Marso.
Sa naturang halaga, P150 milyon ang nailaan sa Health Command Center ng AFP, P24.2 milyon sa General Head Quarters; P14.6 milyon sa Philippine Army; P45.5-milyon sa Philippine Air Force; P15.5 para sa Philippine Navy; at ang napunta sa Office of the Civil Defense ay P728.6 milyon.
Nilinaw ni Lorenzana na kabilang sa nailatag sa pondong ito ay para sa deployment ng mga sundalo sa mga checkpoints sa gitna ng lockdown. (Josephine Patricio)