Advertisers

Advertisers

Chynna nagpahayag ng pagmamahal sa mister na si Kean sa socmed

0 246

Advertisers

IBINAHAGI ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza sa Instagram ang throwback picture nila ng asawang si Kean Cipriano bago magpakasal.

“Thinking about the exact feeling we had when we were about to enter the church…Such peace & comfort knowing that God was pleased,” caption niya rito.

Kuwento ng ‘Idol sa Kusina’ host, “On both wedding dates 2015 & 2017, I knew I was on the right path. Not a tinge of doubt or anxiousness was present in my being. I prayed for a partner and Kean came into view. He isn’t perfect but I was able to see past all his small faults & straight into his heart. Kind soul you got there sir…and oo nga naman may itsura ka rin naman…so bonus! I love you bro!”



Sa huli, pinasalamatan ni Chynna sa Kean para sa lahat ng pinagsamahan nila, “Salamat sa lahat lahat. Hindi pa natin anniversary.. trip ko lang mag-express ng pagmamahal at gratitude sa iyo at sa Maykapal.”

***

Netizens excited sa comeback ng ‘DOTS Ph’

Nag-post ng behind-the-scene pictures ang ilang cast members ng ‘Descendants of the Sun PH’ na kasalukuyang nagte-taping para sa kanilang fresh episodes.

Isa si Jon Lucas o si Harry Potter sa serye na nagbahagi ng kanilang group photo ng Alpha Team. Aniya, “Always better when we’re together.”



Si Rocco Nacino naman ay pinost ang litrato ng kanyang uniform na may caption na “Wolf is Back. See you all soon on GMA Telebabad.”

Komento ng netizens, excited na silang mapanood ang fresh episodes at looking forward na sila para sa comeback ng ‘Descendants of the Sun PH’ sa GMA Telebabad.

 *** 

Anthony Rosaldo may bagong segment sa YouTube

Katulad ng maraming celebrities, may bagong natutunang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na ‘E-Sing Lutuin.’

Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutunan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.”

Unang pinag-eksperimentuhan ng singer ang Shrimp Aligue ala Anthony Rosaldo. Panoorin ang unang sabak ni Anthony sa kusina sa kanyang latest vlog sa YouTube.

***

Yasmien Kurdi at Benjamin Alves, may pasilip sa lock-in taping ng ‘I Can See You: The Promise’

Masaya at proud na ipinasilip ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise.

Sa kanyang Instagram post na makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping, “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na #lockintaping for #ICanSeeYou #ThePromise. Congratulations Team “The Promise” Excited na ako mapanood n’yo ang gawa namin. #newnormal.”

Bukod kay Yasmien ay nag-post din ng photo ang co-star niyang si Benjamin Alves na matatanaw ang magandang lake house kung saan sila nag-taping.

Sa isa pang post ay ibinahagi rin ni Benjamin ang pangalan ng gagampanang katakter, “Jude Agoncillo… soon on #ICanSeeYou on GMA!”

Makakasama rin nila Yasmien at Benjamin sa ‘The Promise’ sina Paolo Contis at Andrea Torres. Abangan ang pinakabagong offering ng GMA Drama team na ‘I Can See You’ na mapapanood sa Telebabad block ngayong Setyembre sa GMA-7. (Joe Cezar)