Advertisers

Advertisers

Takbong mayor kulong sa cyber libel

0 439

Advertisers

Inaresto ang isang radio broadcaster na tumatakbong mayor sa Iloilo city, nitong Biyernes.

Kinilala ang inaresto na si Salvador Capulot Jr., 49, residente ng Barangay Balabago sa Jaro district.

Sa ulat, nahuli si Capulot nang makapag-park na ito ng kanyang sasakyan sa bahagi ng B. Aquino Avenue sa Mandurriao.



Ayon kay Capt. Eduardo Siacon Jr., Jaro district police chief, hindi naman pumalag si Capulot na arestuhin habang papunta sa kanyang radio station.

Sa report, base ang pag-aresto kay Capulot sa bisa ng warrant na may six counts ng paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act issued ng Guimaras Regional Trial Court Branch 6 Judge Rosario Abigail Magay Dris-Villanueva nitong Feb. 15, na may kaukulang piyansa na P15,000.

Ayon kay Siacon, hindi na denetalye ang isinampang kaso laban kay Capulot ni dating Guimaras representative at kandidaatong governor JC Rahman Nava, na tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party, na siya rin partido ng kattungali ni Capulot na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas.