Advertisers
NASAMSAM ang halos P500,000 halaga ng marijuana na inilagay sa kahon ng kape sa Tabuk, Kalinga.
Sa report, bloke-bloke ng marijuana na nakasilid sa kahon ng kape ang nadiskubre ng Tabuk PNP 7:00 ng gabi nitong Lunes sa Bulanao, Tabuk.
Ayon sa tauhan ng courier company, isang Daisy Palangdao ang magpapadala sana ng item.
Nang suriin dahil sa kahina-hinalang istura, biglang napatakbo ang magpapadala.
Agad tumawag ang staff ng courier company sa mga pulis at base sa ginawang inventory, aabot sa 4 kilo ang bigat na nasa P480,000 ang halaga nitong marijuana.
Dahil hindi natapos ang pag-fill out ng form, hindi nalagay ng sender ang pangalan at address ng tatanggap ng marijuana.
Sa pag-iimbestiga, lumalabas na dalawang beses nang nagkaroon ng transaction ang babae sa courier company pero lumalabas na tunay na kape ito at ipinadala sa Pampanga at Metro Manila.