Advertisers
ARESTADO ang apat na kabataang kalalakihan na nagawang manakot sa mga dumaraan sa Valenzuela City.
Kinilala ang mga inaresto na sina Mark Francis Habagat, 20, ng Villa Baretto Subdivision, Canumay West; Mark Aldrin Arce, 20, ng Camilla St. De Castro Subdivision; Chris Bayron, 20, ng Dela Rosa St. Home Centrum Subdivision; at Wynzel Tan, 19, ng St. Joseph St. Lahat ay pawang taga-Lungsod ng Valenzuela.
Hindi natuwa ang Valenzuela City Police sa ginawa ng apat na kabataang ito na gumawa ng isang ‘prank’ sa kanilang lugar nitong Linggo, Setyembre 6.
Ayon sa Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng impormasyon sa isang napadaan sa lugar at nakakita ito ng hinihinalang bangkay na nakasilid sa sako.
Sa report, sinadyang isilid sa sako ang isang lalaki para manakot at makapanloko ng mga dumaraan. (Beth Samson)