Advertisers

Advertisers

P1.3m shabu huli sa 3 tulak sa QC

0 190

Advertisers

TIMBOG ang tatlo katao nang makuhanan ng P1.2 milyon halaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Quezon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Mark Jaster Guttierez, 28, ng Barangay 235, Tirona St., Olivares compound, Brgy. San Dionisio, Parañaque City; Rocky David, 18, ng Dian Street, Malate, Manila; at James Melvin Martea, ng Lopez Jena St., Brgy. San Dionisio.
Ayon sa ulat, 6:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PDEA sa Brgy. Masambong, Quezon City.
Nasamsam ng mga operatiba ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milion. (Mark Obleada)