Advertisers

Advertisers

KASO NG ASF SA LAGUNA LUMOBO

0 330

Advertisers

Apektado ngayon ng lumalalang kaso ng African Swine Fever (ASF) ang ikatlo at ika-apat na distrito ng lalawigang ito.
Umaabot na sa 18 bayan ang apektado ng naturang sakit , ayon sa ulat ng pamunuan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa ilalim ni Dra. Grace Bustamante.
Dahil dito, marami ng alagang baboy ang iniulat na mga namatay dulot nito kaya’t agarang sumailalim sa Depopulation Operation ng pamunuan ng Municipal and City Agriculture Office (MAO/CAO) ang lahat ng lugar na apektado.
Sa talaan, unang tumama ang matinding sakit na ito sa lungsod ng Calamba mahigit tatlong buwan na ang nakakaraan kasunod ang iba pang bayan kungsaan marami ang may mga alagang baboy sa kanilang bakuran o ang backyard hog raisers.
Dahil dito, iniatas ng nabanggit na mga opisyal ang pansamantalang paghinto ng pag-aalaga ng baboy sa lahat ng backyard hog raisers sa apektadong mga lugar hangga’t hindi pa na-contain o nasolusyunan ang problemang ito.
Kaugnay nito, naitala kahapon ang mahigit 100 bilang ng mga baboy ang sumailalim sa Depopulation sa bayan ng Siniloan bunsod ng magkakasunod na insidente ng pagkamatay ng mga baboy.
Bukod sa patuloy na paglobo ng kaso ng Corona Virus disease sa Laguna, nahaharap din ngayon sa matinding problema ang maraming mamamayan dahil sa ASF. (DICK GARAY)