Advertisers

Advertisers

Dahil sa hindi pagbabayad ng mahigit P4M, fish hatchery ng mga Suarez pinutulan ng kuryente

0 569

Advertisers

PINUTULAN ng kuryente ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI) na naka-base sa Bgy. Poctol, Pitogo, Quezon ang Fin Fish Hatchery (FFH) sa Bgy. Punta, Unisan Quezon nitong Huwebes ng tanghali, February 10, 2022 dahil sa hindi pagbabayad ng kuryente na umabot na sa mahigit P4 million.

Ang pagputol ng supply ng kuryente ay isinagawa ng engineering department dakong 1:15 p.m., kung saan mayroon pa itong marka na nagsasaad ng ‘delinquent consumer’ at nilagdaan nina Quezelco 1 officials Magene R. Grefalda, Finance Manager at Acting General Manager Victor Cada.

Noong Jan. 6, 2022 si dating Board Member at Quezelco 1 legal counsel Atty. Frumencio ‘Sonny’ Pulgar ay nagsulat ng demand letter na naka-addressed sa kasalukuyang Gobernador ng lalawigan ng Quezon na si Governor Danilo Suarez, kung saan sinasabi sa sulat na dapat ng magbayad ang gobernador ng kanilang obligasyon sa loob ng limang araw, “otherwise we shall initiate the appropriate administrative, civil, and criminal actions against you protective of our said client’s interest.”



Sa liham ni Pulgar ang Suarez facility ay may kabuuang utang na P4,530,276.09 sa Q1ECI hanggang January 12.

Ayon pa sa pagbubunyag ni Pulgar ay sinasabi ni Gov. Suarez na ang mga kinunsumong kuryente ng Fin Fish Hatchery (FFH) sa Bgy. Punta, Unisan, ay sakop ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Bilang tugon sa hindi pagbabayad ng utang sa kuryente ng Suarez’ fish facility, sinulatan ni Victor Cada, acting general manager ng Q1ECI, si Allan Castillo, provincial official in charge ng BFAR sa Lucena City noong January 4.

Ayon kay Cada, matapos na makipagusap kay Gov. Suarez ay sinabihan sila nito na ang account ay nasa ilalim ng BFAR. Dahil dito ay humingi sila ng kumpirmasyon at mga dokumento na ang nasabing hatchery ay ini-endorso o nasa ilalim nga ng BFAR.

Bilang sagot, sinabi ni Castillo kay Cada noong January 7 na ang Unisan Multi-Species Hatchery account para sa buwan ng March 2020 hanggang November 2021 ay hindi responsibilidad ng BFAR gayundin ang mga kinukunsumong kuryente ng pasilidad.



“Based on our agreement, only security guard services have been secured and paid by the office since 2011. Further, based on our records, no endorsement for said assumption of payment for electrical consumption was made by both parties,” pahayag ni Castillo kay Cada sa kanyang sagot.

Bago ito, sinulatan na ni Cada ang management ng FFH na naka-addressed kay Suarez noong Dec. 7, 2021, at ipinagbibigay alam ang mga hindi nabayarang bills ng kuryente.

Kalakip ng liham ang listahan ng mga unpaid electricity bills mula March 2020 hanggang November 2021, kabilang din ang kahilingan na bayaran na ang kabuuang utang sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay “disconnection shall take effect 5 days after receipt of this notification.”

Nagpahayag ng pagkadismaya si Pulgar hindi mabayarang kuryente ng pasilidad ni Suarez.

Ang nasabing multi-species finfish hatchery, na itinatag ng NGO, UNLAD Quezon Foundation, ay may layuning makapag-produce ng iba’t-ibang binhi ng isda o fish fingerlings na kakailanganin ng mga mangingisda at aoperators ng mariculture parks sa Quezon, na pinatatakbo at mina-managed naman ng Suarez clan.

Gayunman, ayon kay Salome Sosuria ng Unisan Business Permit and Licensing Office, walang nakarehistrong business name para sa Fin Fish Hatchery sa municipalidad ng Unisan.