Advertisers
LAKING gulat ng bansa nang bigyan noong Lunes ng “absolute pardon” ni Rodrigo Duterte si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang sundalong US Marine na nahatulan at nakabilanggo dahil sa salang pagpatay kay Jennifer Laude, isang babaeng transgender, mahigit anim na taon ang nakakalipas.
Walang makapagbigay ng maayos na paliwanag sa pagpapatawad kay Pemberton na nakulong sa isang Marine facility. Hindi patas ang gobyerno sa pagkukulong kay Pemberton sapagkat hindi nasama sa pagbilang ng good behavior ng bilanggo ang panahon na sumailalim siya ng paglilitis sa isang hukuman sa Olongapo City, ayon kay Duterte.
Tanging ang absolute pardon ang paraan upang maiwasto ang gobyerno, ani Duterte. Subalit maraming netizen ang hindi natutuwa. “Pinalaya ang mga criminal, mandarambong, drug lords, pero ikinulong iyong nagnakaw ng karne at corned beef dahil sa gutom,” ani Nona Galan, isang propesyonal na mang-aawit.
Matingkad ang sinabi ni Miguel Suarez, isang retirado ngunit mapagmatyag na mamamahayag: “Wasn’t that a belabored and incomprehensible explanation of why Rodrigo Duterte gave convicted killer Joseph Scott Pemberton a full pardon? According to him Pemberton was ‘not treated fairly’ by the State because the authorities failed to keep track of his ‘good conduct time credit’ while in detention prior to his conviction. I don’t know of any accused or convict who got better favored treatment than Pemberton! ‘(When it is) time that you are called upon to be fair, be fair,’ he said. But to the durugistas – drug addicts – ‘putang ina, be cruel!’ he added. Be cruel? His words exactly.”
Maaaring pulitika ang dahilan, ayon sa ilang netizen. Mukhang salat niya na matatalo si Donald Trump sa Nobyembre. Ngayon pa lang pilit siyang gumagawa ng daan upang mapalapit kay Joe Biden na mukhang suklam sa kanya.
Ani Sony Rodriguez, isang netizen: “Mukhang namamangka sa dalawang ilog ang kanyang kamahalan.”
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa lingguhang pagharap sa sambayanan sa telebisyon. Marami ang nakapansin na mukhang pagod at balisa si Duterte sa kanyang pagharap. Madalas na may tinitingnan si Duterte na paibaba at sa kanyang likod.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte na hiningi niya ang pagharap ni Bong Go sa pulong sa Palasyo upang maiugnay niya ang Senado at Malacanang. Bahagi umano ito ng oversight function ni Bong Go bilang senador. Kataka-taka na ngayon lamang nagpaliwanag si Duterte kahit anim na buwan na humaharap si Bong Go sa mga pulong sa Palasyo.
Hiningi rin ni Duterte kay Bong Go na magpahayag ng kanyang damdamin sa mga desisyon kahit na magmukha siyang oposisyon. May magandang obserbasyon si Dindo Bellosillo, isang mapagmanman na mamamahayag: “Duterte, pinagsabihan si Sen. Go na huwag niyang laging igigiit na magkaibigan sila. Bakit kaya? Mukhang iritable na si Tito Digong sa palaging bukang bibig niya ang pangulo. At sino ang pinatatamaan ng pangulo na huwag kunsintihin ni Go ang mga malalapit sa kanila na gumagawa ng kurapsiyon? Si Go ba ngayon ang ninong ng mga gumagawa ng kurapsiyon? Aba’y nagtatanong lang po ako… Mismong sa bibig ng pangulo lumabas po ‘yan!”
***
MAPAPANSIN noog Lunes na pilit na nilalabanan ni Duterte ang bansag sa kanya na “batugan.” Sa kanyang paikot-ikot na paliwanag, pinilit niyang ipinalalabas na nagtratrabaho siya. Sinabi niya na binabasa niya ang mga nakatambak na papel sa kanyang tanggapan. Binabasa niya umano ang mga papel na “mag-isa sa kanyang silid.”
Madaling sabihin na nagtratrabaho siya ng mag-isa. Kasi nga naman walang saksi. Sino ang saksi kung mag-isa? Sino naman ang magpapasubali kung nasa silid? Ito ang katwiran ng walang kawala. May paliwanag ngunit wala naman patunay.
***
Ito ang kanyang pasakalye upang pasimpleng bigyang daan ang white sand project sa Baywalk area sa Manila Bay. Aniya, maliit ito kung ihahambing sa itinapong reclamation project sa Manila Bay na may sukat na 10,000 ektarya at nagkakahalaga ng ilang bilyong piso.
Marami ang naglalakad ng reclamation project, ani Duterte. Dahil sa dami, nagkaroon siya ng suspetsa na dahilan upang isantabi niya ito. Kung tama ang aming nasagap, isa si Iskho Moreno sa mga nagtutulak na ipatupad ang proyektong reclamation. Suportado ni Yorme ang white sand project. Ano say mo, Yorme?
***
SA balitang sports o palakasan kay Duterte, narito ang palitan ng pahayag sa pagitan ni Duterte at Fransco Duque III. Ani Duque: “Sir, mabuti nagpatupad kayo ng MECQ noong August 3 to 18. Talagang bumaba ang kaso at ito ay nakatulong…”
Sagot ni Duterte: “Secretary Duque, this is not the best time for you to resign… I have full trust in you.”
***
AYON sa medical journal (JAMA), batay sa mga datos, ang mga naospital dahil sa Covid-19 ay mga taong may diabetes, 34%; sobrang matataba (o obese), 42%; at may high blood pressure. 57%. Mag-iingat ang mga may isyu sa cardiovascular.
***
MGA PILING SALITA: “In the light of Sec. Roque’s self-isolation due to his security detail, let me state due to several queries: For the record, I did not and never had any security detail assigned to me. I never saw the need. After all, the pen is mightier than the sword. I wish Harry good health.” – Edwin Lacierda, PNoy’s spokesman (2010-2016)
THE concept of ‘Imperial Manila’ did not really click. It did not stimulate the people’s imagination. But this is being revived by some zealots as their way to push for federalism. Proponents of the federal shift present their argument is a rather simplistic way: Mindanao’s underdevelopment is largely a function of the continued domination of Imperial Manila. I wrote this piece four years ago, but I still hold the opinion Imperial Manila is just a figment in the imagination of those people who could not compete. Because they have been failures, they have to look for the proverbial scapegoat.” – Philip Lustre Jr., mamamahayag
***
Email:bootsfra@yahoo.com