Advertisers

Advertisers

0 190

Advertisers

KAMARA SUPORTA SA MGA PROGRAMA NG PNP
NAKIPAGPULONG si House Speaker Alan Peter Cayetano kina Philippine National Police Chief Camilo Pancratius Cascolan at Director for Comptrollership Emmanuel Licup para pag-usapan kung paano makasuporta at makapagbigay ang Kongreso sa development plans ng PNP. Kabilang na rito ang paglalagay ng maraming women’s desks para agad matugunan ang maraming reklamo ng domestic abuses, pagkakaroon ng state-of-the-art crime laboratories para mapahusay ang crime investigation at pagresolba, pagpapaganda sa public perception sa PNP, at pagbili ng maraming mahahalagang equipments na kailangan para sa pagpapatupad ng batas at kaayusan.