Advertisers
Bagong edu-tainment program, ngayong Sept. 15 na!
May bagong aabangan na naman ang mga tsikiting tuwing umaga sa Kapuso channel dahil simula September 15 ay mapapanuod na ang “Makulay ang Buhay”, ang edu-tainment program na eere tuwing Martes (9:30 am) at Sabado (9:45 am).
Curious na kami kung ano ang mga pakulong dapat abangan sa nasabing edu-tainment show. Sa napanuod naming plug, may animation ito at talaga namang “makulay” ang look. Isang batang lalaki at isang aso ang makikitang sumasayaw at kumakanta to the tune ng isang sikat na jingle na nanatiling LSS ng mga manunuod. Sino pa kaya ang makakasama sa nasabing edu-tainment show upang maging “Makulay ang Buhay” ng viewers, lalo na ng mga kabataan? Abangan!
‘Kiko En Lala,’ napapanood na sa YouTube
Napapanood na ngayon sa YouTube ang debut movie ni Super Tekla na “Kiko En Lala” matapos itong i-upload sa YT channel ng GMA Network noong September 2 bilang bahagi ng “Super Stream.”
Hindi naman ito pinalampas ng netizens at pinusuan pa ang storyline at ang kakaibang brand ng comedy ng Kiko En Lala. Kuwento pa nga ng user na si Mae Ann, “Umpisa pa lang natatawa na ako. OMG, naiyak ako sa huli.”
Maliban kay Super Tekla, tampok din sa pelikula sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Jo Berry, at Divine Tetay, with the special participation of Aiai Delas Alas.
Para mapanood ang Kiko En Lala at ang buong set ng Kapuso video content na available para sa unang linggo ng Super Stream, bisitahin lang ang GMA Network YouTube channel at huwag kalimutang mag-subscribe!
Therese Malvar, paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista?
Sa Facebook video ni Kapuso PR Girl, natanong ang award-winning young Kapuso actress na si Therese Malvar kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.
Nahihirapan man, malaking tulong daw ang mga taong nasa paligid niya, “Honestly po talaga I’m not really sure how I’m able to balance both work and studies. Because I’m not that good at organizing my time. But thankfully, the people around me help motivate me. And I try to catch up talaga even when I’m on set. Minsan mahirap kasi palagi po akong absent pero if you really want to pursue this, you have to find a way to make things work. I would really like to graduate on time.”
Samantala, napapanood na sa Netflix ang indie film niyang “Gasping for Air”, habang ang “Distance” naman ay mapapanood din sa streaming platform simula September 17.
Klea Pineda, pina-wow ang netizens sa latest post!
Nahumaling ang mga fan at follower ng Kapuso actress na si Klea Pineda sa bago niyang post sa Instagram na isang transformation video challenge na patok sa TikTok.
Pinatunayan niya na isa talaga siya sa mga pinaka-sexy at nakabibighaning female celebrities ngayon. Sa video, makikita ang kaniyang nakamamanghang transition mula sa pagiging plain jane papunta sa “it girl” look!
Samantala, nami-miss na rin ng fans at ng Kapuso viewers ang kaniyang pinagbibidahan na GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw,’ kasama sina Jeric Gonzales, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Konting tiis na lang at malapit na rin silang manumbalik sa TV. Bisitahin lang ang GMA Network website para sa mga update. (Showbizteam)