Advertisers
LIHIM daw sana ang relasyon nina Harlene Bautista at Federico Moreno.
Pero hindi na nga naging secret ang relasyon nila.
Dahil sa kani-kanilang post sa Social Media ay hindi na napigil ni Harlene ang paghahayag sa bagong pag-ibig.
Nalantad ang kanilang love affair sa unang selebrasyon nina Harlene at Freddie ng unang monthsary.
Kita naman sa post na masayang-masaya ang couple na ipinagdiwang ang kanilang unang buwan ng pagmamahalan na kumain ang dalawa sa isang resto sa BGC.
After ng hiwalayan ni Harlene at ex-hubby na si Romnick Sarmenta, akala ng netizens ay ang dating bf na si Neil Eugenio ang magiging forever nito na kasamahan niya sa That’s Entertainment.
Pero ang anak ni Kuya Germs na si Federico o Freddie ang bagong nagpapakilig kay Harlene.
Matagal na ring hiwalay si Freddie sa kanyang wife na si Shiela Magdayao na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.
May 2 years na rin namang hiwalay si Harlene sa dating mister na si Romnick.
Marami ang natuwa na netizens at muling magiging maligaya na ulit ang kapatid nina Herbert at Hero Bautista.
Sa post ni Harlene, si Federico na raw ang kanyang forever at wala na ngang kiyeme na nag- I Love You ito sa bagong love na si Freddie.
***
Gerald at Julia, nagtatago pero naispatan sa Zambales
SA isang kuha na larawan na naka-post sa IG ni Gerald Anderson, may isang long hair na girl ang kasama nito.
Hindi malinaw ang larawan ng babae na mahaba ang buhok sa mismong beach resort ni Gerald sa Zambales.
Palaisipan sa netizens kung sino nga ba ang girlash na kasama nito sa resort.
Pamilyar daw sa followers ni Gerald sa resort na laging pino-post nito sa kanyang IG.
Hula ng netizens na si Julia Barretto ang babaeng dinala nito sa kanyang beach resort sa Zambales.
Mas lalo pa ngang naghinala ang netizens nang may makitang may nakasulat na happy anniversary kaya nga hinalang si Julia na nga ang mysterious girl.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)