Advertisers
NAGSIMULA na ang taping ng dating magkarelasyon at love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa unang digital project nila na Love Unlock. Sa unang araw ng taping nila,nang matapos na ito at pauwi na sila, ay nag-text ang una sa huli.Sabi niya,”Nice to see you again.Thanks for the day,” Nag-reply naman si Julia, na ang tanging textback nito ay thank you.Walang dating para sa amin ang reply ni Julia. Dapat ay medyo hinabaan niya na sabihin niya, nice to see you too, ingat ka, etc. Siguro,wala na talaga siyang nararamdaman para sa ex-boyfriend. ‘Yun kaya ay dahil talagang sila na ni Gerald Anderson? Na kahit hindi niya aminin, marami pa rin ang naniniwala na may something na talagang namumuo sa kanila ng ex nina Kim Chiu at Bea Alonzo. May katibayan pa nganu’ng lumabas ang picture na magkasama sila ni Gerald sa private resort nito sa Zambales.Bagamat malayo ang pagkakakuha at nakatalikod ang babaeng nandu’n, ay sinasabing si Julia talaga ‘yun At si Gerald naman ‘yung lalaking kasama niya. Well,kelan kaya aamin sina Gerald at Julia na talagang sila na? Para sa amin, hindi na nila dapat itago pa ang relasyon nila.Ipagsigawan nila sa buong mundo na nagmamahalan sila. Huwag na lang nilang intindihin ang sasabihin ng ibang tao sakaling umamin na nga sila.
****
NAPANOOD namin si Jed Madela sa You Tube channel niyang Jed Madela official, na in-upload niya roon ang cover niya ng kantang Reflection. Ito ang themesong ng pelikulang Mulan.
“The new Mulan movie has been released and as requested, here is a cover of the iconic song, REFLECTION. Staying true to the song, I sang the lyrics as is,” post ni Jed sa Facebook at YouTube. Ang original singer ng nasabing awitin ay si Christina Aguilera.In fairness, ang ganda ng version ni Jed. Swabeng-swabe ang pagkakakanta niya nito,ang sarap niyang pakinggan. No doubt, isa talaga si Jed sa pinakamahuhusay nating singer ngayon.