Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug suspects, kabilang ang dalawang Grade 12 students, nang mahulihan ang mga ito ng mahigit sa isang kilong marijuana nung Sabado sa Makati City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Dominick Dolojan, 21, nakatira sa 103, Laryosa Street, Bgy. West Rembo; Nicko Payoyo, 18, ng 134 Apitong St., Bgy Comembo, kapwa taga Makati City at Grade 12 students; at Angelo Ray Gallego, 24, computer shop owner, ng 390, Mangga St., Brgy. Comembo.
Sa report, 9:48 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng Makati City Police ang mga suspek sa panulukan ng J.P. Rizal Extension at P. Burgos St., Brgy. West Rembo.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 1.5 kilong marijuana, na nagkakahalaga ng P180,000.00. Nahaharap ang mga sa kasong paglabag sa Section 5 in Relation to Section 26 and Section 11 ng RA 9165. (Gaynor Bonilla)