Advertisers
TAPOS na ang “madilim na panahon” para sa mga Ilonggo.
Oo! Sa special report ng Publishers Association of the Philippines Inc (PAPI) tungkol sa estado ng power supply sa Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/ ay inisa-isa nito ang rason ng pagbagsak ng 96 taon na pamahahala ng Panay Electric Company (PECO) at kung bakit ito isinumpa ng consumers pati na ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na siyang nag-inisyatibong hiniling sa Kongreso at Energy Regulatory Commission (ERC) na palitan ang naturang power supplier.
“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase “technical incompetence” following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” report ng PAPI.
Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC kasama na rito ang hindi maayos na protective devices, hindi ligtas na mga poste, overheating na substations, hindi pagsasagawa ng upgrade sa kanilang lumang distribution system sa maraming taon at hinuhulaan lamang na meter reading kaya nagkaroon ng P631 million refund sa consumers ang lihitimong rason para bawiin sa PECO ang prangkisa, operational at business permit nito.
Pero wala na sa Iloilo City ang PECO ay hindi parin natatapos ang kalbaryo ng mga Ilonggo sa kuryente. Ang dahilan, ayon sa PAPI, ay ang patuloy parin na panggugulo ng PECO sa opera-syon naman ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).
Inaakusahan ng PECO ang More Power na lalong tumaas ang systems loss at mas dumalas ang brownout ngayon kesa noon.
Pero sa report ng PAPI, walang basehan ang akusasyon ng PECO laban sa More Power dahil lumilitaw na ang buong sistema mismo na ginagamit noon ng PECO ang substandard na sinisimulan ngayong isaayos ng bagong power supplier kaya nagkakaroon ng scheduled power interruptions.
Sa kabilang banda, sinabi ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang pagliwanag ng Iloilo City sa pag-alis ng PECO, at pinanghahawakan ang pangako ng More Power sa mas maayos na serbisyo.
“From the standpoint of being a consumer myself, I ask everyone to bear with the situation and have a little more patience. MORE cannot do miracles, like instantly solving the woes we had experienced for decades under PECO. Its only fair that we allow More to prove its worth,” pahayag ni Msgr Meliton Oso ng Jaro Archdiocese Social Action Center.
Aprub din sa Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) ang pagpasok ng More Power. Isinusuka na nila ang PECO.
Ayon pa sa PAPI, ang underfunded na distribution infrastracture ng PECO sa loob ng maraming taon ang puno’t dulo ng naging problema sa kuryente sa Iloilo City. Kaya kung hindikaka-yanin ng PECO ang demand ng panahon ay mainam na lisanin na ang lungsod at ipaubaya ang power supply sa More Power. Mismo!
***
Palusaw na raw ang covid ‘19 sa Pilipinas. Thank you Lord!
Sa pag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan sa University of the Philippines, “flattened na ang curved” sa covid ‘19. Bunga raw ito ng pag-cooperate ng mga tao tulad ng pagsuot ng face mask, face shield at social distancing, dahilan ng ‘di na paglaganap ng virus at tuluyan nang pagkalusaw.
Sa huling ulat ng Department of Health nitong Lunes ng hapon, nasa 49,931 nalang ang active cases ng covid.
Ayon pa sa DoH, patunay rito ang pagkabakante ng maraming hospital beds na dati’y walang paglagyan ng pasyante.
Inaasahang magtuluy tuloy na ang pagkawala ng virus tulad sa ibang bansa na nakabalik na sa normal ang operasyon ng kanilang mga negosyo. Keep safe, mga kababayan!!! God bless us…