Advertisers

Advertisers

Importasyon ng manok at baboy, pinatitigil

0 281

Advertisers

NANANAWAGAN ang mga magmamanok at magbababoy sa pamahalaan na pangalagaan ang industriya ng manok at karne ng baboy sa bansa.
Ayon kay dating Congressman Nicanor Briones, na ngayon Vice President ng Luzon Pork Producers Federation of the Philippines o PRO Pork, at tagapangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP), na lubhang napapabayaan ang lokal poultry and hog industry sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Briones ang ginagawang importasyon ng pamahalaan sa mga poultry products.
Aniya, numero uno umanong walang malasakit ang gobyerno ng Pilipinas sa sektor ng agrikultura, na kung kailan dumaranas ng pandemya ang buong mundo bigla naman nilang dinoble ang importasyon mga manok at baboy.
Dagdag nito, napakataas ng supply ngunit mababa naman ang demand o bumibili dahil karamihan sa mga restaurant sa bansa mga nagsara at iba pang stakeholder na dating malaking merkado ng manok at baboy ang mga nalugi.
Panawagan ng grupo ni Briones sa pamahalaan na suspendihin ang importasyon ng manok at baboy at sa halip tangkilikin ang mga produktong agrikultura ng bansa.
Hiniling din niya na maglagay ng first boarder quarantine facilities o cold storage upang matukoy kung may dalang sa-kit o tunay ang deklarasyon ng mga importer patungkol sa kanilang mga shipment.
Layon aniya nito na maiwasan ang pagpasok ng iba’t sakit sa hayop tulad ng ASF o African Swine Fever at birds flu.
Sinabi ni Briones na 2019 pa, naglaan na ang pamahalaan ng P2 bilyong pisong pondo para sa pagtatayo ng quarantine facilities ngunit hanggang ngayon wala pang itinatayo ang pamahalaan.