Advertisers
KINANSELA ng organizer ng International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria ang mga laro dahil sa sama ng panahon.
Sa nasabing event kasi ay kasama si Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.
Nagtala na kasi ng 5.30 meters si Obiena at nakatakda na sana itong sumabak sa 5.40 meters nang itinigil ng organizers ang mga laro dahil sa sama ng panahon.
Nasa pang-limang puwesto na si Obiena nang bigla itinigil ang laro.
Unang itinakda ang nasabing laro noong Hunyo subalit dahil sa coronavirus pandemic ay inilipat ito ngayong buwan.