Advertisers
Gud pm po. Report ko po… Naghatid ako sa Cuadra boundary ng talipa Quirino, likod nun papuntang Cuadra, Caloocan. Minsan po ang pwesto ng mga nanghuhuli sa may simbahan ng Santa Kateria, Calookan. Grabe po sila mangikil. Sabi po sa akin, para hindi na raw ako pumunta ng Caloocan magbayad nalang ako ng P1k. Nagbigay po ako, pinangutang ko pa po yung pinangbayad ko para matubos ko yung motor. Kahit po walang operation nanghuhuli sila. Kawawa naman kami. May pandemya na nga, wala pa sa lugar kung mangotong sila. Makarma sana sila. Buhay pa sila inuuod na katawan lupa nila. Sana maaksiyunan itong mga kotong enforcer dito. – Rider
3 pulis ng MPD-PS2 nangikil
ng P200K sa misis ng preso
REPORT ko po ang ilang pulis ng Station 2 ng MPD dito sa Moriones, Tondo, grabe po mangikil sa preso. Sila Ca…, Ma… at Re… Mga bagong pulis po ito. Mayroon po kasi isang babae na nahuli ang asawa nya, tapos hiningan siya ng pera na P300k para makalabas yung asawa niya. Eh kulang daw po yung pera niya, nakiusap siya dun sa mga pulis na yun lang pera nila P200K. Ibinigay po niya dun sa tatlong pulis yung pera, pero hindi po tumupad yung mga humuli sa asawa nya. Binulsa lang po yung pera ng mga pulis na yan. Sana makarating ito sa pamunuan ng MPD, kay General Miranda. Salamat po. – Concerned citizen
Makapal ang mukha ng
parking attendant sa Pritil, Tondo
Gud am po. Gusto ko po malaman ni Mayor na sobra po salbahe ng parking attendant niya na si Norberto. Garapal po mukha manghingi d2 sa mga batang kumukuha lang ng pagkain. Kung makahingi po garapal. D2 po yan sa Pritil Market sa Tondo – Concerned citizen