Advertisers

Advertisers

“Salamat O Diyos sa mga ipinagkatiwala mong gawain”

0 464

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan niyo sila sa Pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo, at ituro niyo sa kanila ang pagsunod sa lahat ng iniutos ko’…” (si Jesus, sa Mateo 28:19-20, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

SALAMAT O DIYOS SA MGA IPINAGKATIWALA MONG GAWAIN: Lubos po ang aking pagpapasalamat sa ating Diyos at Tagapagligtas, sa Pangalan Niyang Jesus, sa Kaniyang pagkakaloob sa akin ng pagpapala upang pangunahan ang mga gawain ng pagpapahayag at pagliligtas batay sa katotohanang Siya, si Jesus, ang Diyos at Tagapagligtas at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.



Una, isinusulong na ng Diyos ang mga gawaing pagpapahayag at pagliligtas sa aking kinabibilangang Simbahan, ang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), sa pamamagitan ng radyo, cable TV, at social media. Bagamat bawal ang humayo sa iba’t ibang lugar para sa mga gawaing pang-simbahan dahil sa COVID-19, ang AND KNK ay hindi pinatigil ng Diyos sa pagpapahayag sa iba’t ibang dako, sa buong mundo.

Tatlo na ngayon ang mga regular na palatuntunang ginagamit ng AND KNK sa pagpapahayag—ang lingguhang “Online Gathering for Praise, Worship, and Thanksgiving”, ang araw-araw na palatuntunang “Ang Tanging Daan” (English at Filipino broadcasts), at ang morning show na “Good Morning Kadugo!”

Ikalawa, ginagamit din ako ngayon ng Diyos sa pangunguna sa ilang mga lider-Kristiyano upang, tulad ng AND KNK, sila man ay magkaroon ng pagkakataong makapaghayag ng kabutihan ng Diyos, sa online media. Hinihiling ko po ang inyong mga panalangin upang lagi akong gagabayan, pagpapalain, at bibigyang-proteksiyon ng Diyos sa mga gawaing ito, pati na ang mga nakakasama ko! Amen!

***

AND KNK: SI JESUS ANG “MAKAPANGYARIHANG DIYOS, WALANG HANGGANG AMA”, BAGAMA’T SIYA AY NAGKATAWANG-TAO: SSDSNNJ Amen. Sa Genesis 3:15 ng Bibliya unang ipinahayag ng Diyos, sa Kaniyang anyong Ama, ang Kaniyang pagbaba mula sa langit at ang pagtungo Niya dito sa daigdig sa anyo ng tao na may laman at dugo.



Ipinahayag din ng Diyos sa Genesis 3:15 ang dahilan kaya

Siya bababa sa daigdig na ito mula sa langit—upang durugin ang kasalanang inihasik ng Kaniyang kaaway, ang diyablo, na siyang naging dahilan kaya natutong lumabag ang mga tao sa Kaniyang mga utos.

Marami ang magsasabi na hindi naman ganito ka-diretso ang sinasabi ng Genesis 3:15 sa iba’t-ibang mga salin ng Bibliya. At tama sila. Iba nga ang mga nakasulat sa mga salin na ito. Ang tanong nga lamang: tama ba ang pagkakasulat ng Genesis 3:15 ng mga kasalukuyang salin ng Bibliya? O, sa maraming kadahilanan, ang mga kasalukuyang salin ay hindi makatotohanan?

Anuman ang magiging tugon sa mga tanong na ito, ang isang masusing nag-aaral ng iba’t ibang bahagi ng Bibliya ay tiyak na hindi maliligaw sa totoong mensahe ng Banal na Kasulatan. Ang totoong mensaheng ito ay nagsasabi na labis ang pag-ibig ng Diyos sa Kaniyang mga nilikha kaya naman sa kabila ng kanilang pagiging makasalanan, gumawa pa rin Siya ng paraan upang magkaroon sila ng kaligtasan (Basahin po ang kabuuan nito sa Facebook, www.facebook.com/attybatas, September 05, 2020).

***

PARAANG GINAWA NG DIYOS UPANG
MAGKAROON NG KALIGTASAN ANG

TAO: Ano ang ginawang paraan ng Diyos upang magkaroon pa din ng kaligtasan ang mga makasalanan? Siya mismo ang bumaba sa daigdig na ito, sa anyo ng tao na may laman at dugo, upang tanggapin, at Kaniya na ngang tinanggap sa Kaniyang Banal na Laman, Banal na Dugo, at Banal na Espiritu, ang parusang nakalaan para sa mga kasalanan ng tao.

Saang mga bersikulo ng Bibliya mababasa ang katotohanan ng kaparaanang ito na ginawa ng Diyos para mabigyan ng kaligtasan ang mga tao?

Binanggit na po natin noong isang araw, pero isusulat po nating muli dito—Genesis 3:15, Isaias 7:14, Isaias 9:6, Mateo 1:18-25 at Lucas 1:26-37. Sa mga bersikulong ito ibinigay ng Diyos sa Kaniyang anyong Ama ang mga patotoo ng Kaniyang pagiging si Jesus.

Ang unang pagpapatotoo ng Diyos sa Kaniyang anyong Ama na Siya nga si Jesus ay mababasa sa Genesis 3:15. Dito unang inihayag ng Diyos ang Kaniyang pagbaba sa daigdig sa anyo ng tao na may laman at dugo, ipinaglihi at isinilang bilang isang sanggol na lalaki ng isang tao, o ng isang babaeng birhen.

Kung pag-aaralang mabuti ang Genesis 3:15, makikita natin ang ilang mahahalagang pagpapahayag ng Diyos doon. Una, ikinagalit ng husto ng Diyos ang pagkakalinlang ng diyablo, sa anyo nitong ahas, kina Eba at Adan. Ipinakita ng Diyos ang Kaniyang galit sa pamamagitan ng pagbibigay ng sumpa kay Eba, kay Adan, at sa ahas (Basahin po ang kabuuan nito sa Facebook, www.facebook.com/attybatas.