Advertisers

Advertisers

ANO BA ‘YAN KAP?

3 572

Advertisers

Bakit tila may kapabayaan itong punong kapitan ng Barangay 4 Zone 2 ng lungsod ng Pasay.

Ayon kasi sa reklamo ng kanyang mga constituents diyan sa Salud street-FB Harrison, dalawang magkasunod na “indiscriminate shooting incident” sa lugar mismo ni Kap ang di nito naaksyunan.

Worst, nang manghingi na ng kopya ng cctv ang ilang nagrereklamo para matukoy kung sino ang kupal na walang habas na nagpaputok ng baril, wala umanong naka-record sa cctv camera.



Di natin maaalis na magduda ang taongbayan na may nagbura sa kuha ng cctv considering na pulis umano ang nagpaputok ng baril noong Setyembre 3 alas-2:58 ng hapon.

September 4 naman ng madaling-araw, isa namang alyas JC ang nagpaputok ng baril ng dahil umano sa parking sa tapat ng bahay ni Kap pero di man lamang umano lumabas si kapitan para sawayin ang nagpaputok ng baril.

Umaga na umano naaresto si alyas JC ngunit pinakawalan din ng kapulisan dahil wala naman umanong tumayong complainant.

Batid naman nating lahat na napakadelikado sa buhay ng tao ang ligaw na bala kaya ang mga ganitong insidente ng pagpapaputok ng baril sa isang pamayanan o komunidad ay di biro at dapat lang aksyonan ng mga awtoridad.

In these particular cases, ikaw Kap ang dapat gumawa ng kaukulang hakbang para masawata ang mga ganyang di tamang gawain.



Lantarang pambabastos ang mga insidenteng ito sa barangay partikular sayo Kap dahil sa harap mismo ng tahanan mo naganap ang nasabing pagpapaputok ng baril.

Bahagi ng sinumpaan mong tungkulin bilang punong barangay ang ipatupad ang batas at panatilihin ang kaayusan sa iyong AOR.

Kung sakali mang kilala mo, kaibigan o kamag-anak ang pasaway na pulis na nagpaputok ng baril, naturalmente lamang na ito ay komprontahin mo sa kanyang maling ikinilos.

Yan ay alinsunod at tawag ng iyong tungkulin bilang kapitan ng barangay.

Dapat may blotter sa barangay ang dalawang magkasunod na insidente ng pagpapaputok ng baril dahil isa itong krimeng masasabi.

Marami na umanong mga kahalintulad na insidente ang nangyari dyan sa Barangay 4 Zone 2 pero nganga lang daw ang reaksyon ni Kap.

May pinangingilagan ba si Kap o kinakatakutang banggain sa kanyang pagpapatupad ng batas?

Paano na ang mga constituents nya na umaasa sa kanya at sa barangay?

Magpapasindak na lamang ba katulad ni Kap?

Paano na ang mga gustong magreklamo pero wala man lamang makuhang tulong mula sa kanilang barangay.

Pati kopya ng cctv footage burado raw.

Wala ring incident report si Kap para panghawakan ng mga magrereklamo.

May kasabihan tayo sa wikang Ingles na ganire, “if you cannot stand the heat, then get the hell out of the kitchen”! Short of saying Kap na kung di kaya ng dibdib mo ang trabaho ng isang kapitan eh di mag-resign ka na lang!

I’m sure marami pang taga-Salud ang handang gumanap sa iyong tungkulin Kap.

Di ito paninira Kap, gusto ko lang ipaalala sayo na pinagkatiwalaan tayo ng ating mga constituents na maluklok sa ating posisyon dahil alam nilang may kaisipan tayo at tapang (bayag) para sila ay mapagsilbihan at proteksyonan laban sa mga mali at lihis na gawain.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com