Advertisers

Advertisers

Dahil loyal Kapamilya… Kim may kasunod agad na serye sa pagtatapos ng ‘LTW’; Harlene at anak ni Kuya Germs, 1-month nang magdyowa

0 175

Advertisers

HIWALAY na pala si Harlene Bautista sa dati niyang kasamahan sa sikat  noon na youth- oriented show na That’s Entertainment na si Neil Eugenio.

Ang bago pala niyang karelasyon  ay ang adopted son ng yumaong si German Moreno na si Federico Moreno. Nag-post kasi ang actress cum movie producer sa kanyang Facebook account kaugnay sa monthsary date nila ni Federico.

Sabi niya, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie. (heart emoji)”



May kasunod agad itong another Facebook post ni Harlene, “Happy 1st month, my love. #blessed #love I never thought life would be sweet again. Thank you.”(3 heart emojis).

So one month pa lang pala ang relasyon nina Harlene at Federico? Sana this time ay natagpuan na ni Harlene ang right guy para sa kanya.

For keeps na sana ang relasyon nila ni Federico na ex-mister naman ng kapatid ni Vina Morales na si Shiela.

***

HINDI talaga pinababayaan ng Kapamilya network si Kim Chiu.



Lagi nila itong binibigyan ng project. Sa pagtatapos ng seryeng pinagbibidahan niya na Love Thy Woman sa Friday, September 11, may kasunod na agad ito.

Sa post ni Kim sa kanyang Instagram account, sinabi niya na magkakaroon siya ng bagong show sa ABS-CBN na araw-araw mapapanood. Pero hanggang doon lang daw ang pwede niyang sabihin, ayaw niya pang magbigay ng ibang detalye. Pero sa tingin namin, mukhang hindi serye ang  bagong project ni Kim. Kasi kung serye uli, pwede naman niyang sabihin na may gagawin siyang serye uli, di ba?

Hindi niya lang babanggitin ang title nito at kung sinu-sino ang makakasama niya, kung ayaw niya pang magbigay ng full details. Anyway, ang mahalaga naman, kahit ano pa ang show na sinasabi niya, mayroon agad siyang follow- up show after Love Thy Woman. (Rommel Placente)