Advertisers

Advertisers

Pulisya, pinamo-monitor ang social media para sa mga susuway sa quarantine rules

0 239

Advertisers

INATASAN ng Joint Task Force COVID Shield ang mga police commanders at kanilang mga tauhan na regular na i-monitor ang social media para sa mga paglabag sa mga ipinapairal na quarantine protocols.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar na nagpo-post ang mga netizens sa social media para ireklamo ang mga lumabag sa ipinapairal na minimum health protocols gaya ng maramihang pagtitipon sa mga inuman at iba pang uri ng pagdiriwang.
Pahayag pa ni Eleazar, makikita sa ilang Facebook page ang mga larawan at video ng ginagawang paglabag sa mga quarantine regulations na nakuhanan ng closed circuit television (CCTVs) at dash cam.
Saad pa ni Eleazar na kabilang sa mga naka-post sa social media ay ang magka-angkas sa motorsiklo at mga nag-iinuman.
Nanawagan si Eleazar sa mga netizen na i-report sa mga awtoridad ang mga pasaway sa quarantine protocols kahit mga pulis. (Josephine Patricio)