Advertisers

Advertisers

Nakunan ng CCTV: Lalaki pinagbabaril sa Maynila

0 256

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin Linggo ng umaga sa Port Area, Maynila.
Sa kuha ng closed-circuit television camera sa insidente, makikitang nakaupo at tila may hinihintay ang biktima sa may Railroad Street, Barangay 650, bandang 9:30 ng umaga. Nilapitan ito ng 2 lalaking naka-sando at pinagbabaril makalipas ang ilang minuto.
Walang nagsalitang testigo at wala rin umanong nakakakilala sa mga salarin. Hindi rin umano kilala sa lugar ang biktima.
“Kami, takot na rin eh. Kung minsan, gusto ko nang magbitiw kasi kapag ganyan, nangangamba rin kami na baka mamaya balingan kami ng kung sino man ang gumagawa ng krimen,” ani Rodolfo Trino, ex-officio ng Barangay 650.
Ipinatawag sa presinto si Trino dahil nakita siya sa CCTV footage na dumaan sa crime scene bago ang insidente.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Homicide section ng Manila Police District habang patuloy ang imbestigasyon sa krimen.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)