Advertisers

Advertisers

Multi-titled Coach Mark Herrera Saludo sa Dakilang AMA

0 502

Advertisers

LABIS na pagha-nga at paggalang ang nararamdaman ni AMA University Sports Director at head coach Mark Herrera sa pamunuan ng pinaglilingkurang institusyon dahil sa todo-suporta at malasakit na ikinakalinga sa kanilang mga atleta.
Mapalad ang mga basketball / volleyball – men-women/ juniors at seniors ng AMA U dahil sa walang patid na suporta ng management partikular ang varsity scholarship na kaloob noon pa man at kahit sa panahon ng pandemya pati sa hinaharap pa kung kaya walang pagsidlan nang tuwa ng kanilang atleta na taos-puso namang pinasalamatan ni coach Herrera.
“Saludo po ako sa kadakilaan ng AMA U management partikular kay Amb. Amable R. Aguilus V sa kaloob na full scholarship sa ating mga original varsity players magmula pa noon hanggang ngayon sa panahon ng pandemic ay tuloy lang ang kalinga hanggang sa makabalik na tayo sa normal na sitwasyon in the near future,” sambit ng dating University of the East Red Warrior prolific pointguard at produkto rin ng Lourdes School QC at MILO Best na si Herrera.” Pagbalik natin sa normal na sitwasyon ay determinado ang mga bata sa pagbibigay -karangalan na naman para sa alma mater AMA U bilang pagtanaw ng gratitude na tulong sa kanilang pag-aaral as student athletes. More championship para sa dakilang AMA U ang kanilang battlecry!”
Sa halos isang dekada nang head coach at Sports Director ni Herrera sa AMA ay marami nang kampeonato ang kanilang naialay sa tanyag na institusyon mula sa iba’t-ibang school leagues at invitationals sa Metro Manila at lalawigan sa kanyang timon.
Isa pang pinasasalamatan ng Management graduate na naging head coach ng Wang’s sponsored 16- Under women’ s national team ng FIBA sa China noon at ang13-under PH elite boys championship sa HongKong school based league kamakailan ni champion coach Herrera ay ang consistent na suporta ng management sa kanilang paglahok sa mga prestihiyoso at malalakas na liga bilang bahagi ng team building ng AMA U at pagmantini ng kanilang supremacy sa collegiate/ university leagues sa basketball pruweba dito ang patuloy na paglahok sa PBA D- League bilang pioneer team ng ligang developmental ng Philippine Basketball Association (PBA).
Hindi man natupad ni Herrera ang kayang pangarap na makalaro sa bigtime basketball dahil sa injury ay fulfilling naman aniya ang kanyang coaching career dahil sa di na rin mabilang na mga natulungan at nagiyahan niyang manlalaro na ang iba ay nasa pro- league na at mga commercial leagues na nagdudulot ng magandang buhay, ambisyon at pangarap na natupad sa gabay ni coach Herrera at ayuda ng dakilang AMA.
“Dito nakaguhit ang aking destiny kaya ang mga achievements at blessings ay pinagpasalamat ko sa POONG MAYKAPAL at aking bossing sa AMA. Marami pa rin akong matutulungang mga batang may potensiyal sa larangan sa hinaharap dahil sa kanila,” ani pa Herrera.(Danny Simon)