Advertisers
IPINAMALAS ng teen actor na si Will Ashley ang kanyang acting sa bago niyang vlog na ‘fake blood prank’ na nabiktima niya ang kanyang lola.
Kunwari ay biglang nahilo si Will at may lumabas na dugo sa katawan niya, bagay na ikinabahala agad ng lola niya. Higit sampung minuto rin siyang nag-acting na may masamang nararamdaman bago niya amining isa lang itong prank.
Samantala, patuloy na napapanood ang aktor sa recap ng ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime.
***
Rita Daniela may pasilip sa upcoming movie
Katatapos lang ng walong araw na taping ng upcoming film na ‘My First and Always’ kung saan kabilang sa cast ang Kapuso loveteam na sina Rita Daniela at Ken Chan.
Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Rita ang mga nakasama niya rito, “sepanx is real! i’ve been with these amazing people for 8 days and i miss them so much. most especially ang aming bonggang bonggang direktor, @direklouieignacio, direk carlo and direk abijah! direk ross, sa aming stylists na si mars ashley, ate may, john glen thank u ate @only_pomposa and jonggi! sa aming stillman. @gabdelumpa. sa prod & staff, beauty, ate katya, sir @dennisevangelista888 at marami pa pong iba. most especially sa @hbeproduction, miss @harlenebau, sir @herbert.bautista.397, kuya hero bautista.”
Ipinasilip din niya sa fans ang gagampanang role bilang si Luisa sa ilang behind-the-scenes photos. May mga pa-tabing ilog wet look pa siya!
Samantala, patuloy na napapanood ang RitKen sa ‘All-Out Sundays’ sa GMA Network.
***
“Telesine Presents: Giyera Patani,” tampok ngayong Linggo sa GMA-7
NGAYONG Linggo (Setyembre 6), tiyak na mapupuno ng katatawanan ang weekend family bonding sa “Telesine Presents: Giyera Patani.”
Tampok sa comedy treat na ito ang kuwento nina Upeng (Gloria Diaz) at Udang (Elizabeth Oropesa) na nag-aagawan sa lalaking si Ting. Sabay silang nabuntis ni Ting at nang pumanaw ito, pinag-aagawan naman nina Upeng at Udang ang pera at mga ari-ariang iniwan niya.
Pati ang kanilang mga anak ay nadamay na rin sa kanilang hidwaan at naging magkaaway.
Siguradong sasakit ang tiyan ng mga manonood sa kakatawa sa kanilang mga diskarte at bangayan upang patunayan na sila ang karapat-dapat na makakuha ng mga kayamanan ni Ting. (Rommel Gonzales)
Abangan ‘yan ngayong Linggo sa “Telesine Presents: Giyera Patani” pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.