Advertisers
DAMING naka-relate na mga netizen sa naging reaction ni Pokwang sa kanyang social media sa laki ng bills na kanyang babayaran sa kuryente.
Hindi raw makapaniwala si Pokwang sa biglaang paglobo ng bill nito sa kuryente.
Naipo daw ang bill sa kuryente ni Pokwang nang simulan na ipatupad ang quarantine.
Shocking galore naman ang komedyana sa pagdating ng mga bill nito sa kuryente na naipon ng apat na buwan.
Umabot lang naman sa 131, 312.00 ang kuryente ni Pokwang.
Kaya naman nasambit nito nang makita at mapamulagat sa presyo ng kuryente nito sa Masinag.
Gusto sana maliwanagan ni Pokwang kung bakit ganun kalaki ang bill nito sa kuryente.
Dahil ‘di makapaniwala sa laki ng presyo ng kanyang kuryente may i- call ito sa hotline ng Meralco.
Pero wala nga raw sumasagot at gusto niya maliwanagan kung paano ba lumaki ng ganun ang bayarin niya sa kuryente.
Tunay na talagang hindi maka-move on si Pokey eh paano naman daang libo mahigit ang bayarin nito.
“Ano kami may pabrika,” sabi pa ng komedyana sa kanyang post sa socmed.
Kaya naman maraming nakisimpatiya na netizen kay Pokwang at relate sila lalo na’t usaping kuryente ang usapan.
***
Sen. Bong Revilla ‘di napatumba ng Covid19
DAHIL sa pagpapalakas ng immune system ni Sen. Bong Revilla kaya hindi ito naigupo ng Covid 19.
Dagdag pa ang napakaraming nagdasal sa agarang paggaling ni Bong.
Buti na lang at malakas ang sistema at resistensya ni Bong.
Mabilis ang recovery ni Bong at hindi nga raw ito naigupo ng killer virus.
Maraming natuwa na mga nagmamahal kay Bong sa dagliang paggaling nito.
At dahil dun ay muli niyang nakasalo sa hapunan ang kanyang pamilya.
Wala. namang pagsidlan ng tuwa ang kanyang maybahay na si Lani Mercado na ina ng bayan ng Bacoor sa paggaling ng kanyang mister.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)