Advertisers
LAGUNA – Nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya nang sama-samang magkulong ang mga ito sa comfort room ng nasusunod nilang bahay sa Kalye Putol, Barangay Poblacion, Magdalena, Sabado ng madaling araw.
Magkakayakap pa ang mga biktimang sa loob ng comfort room nang makita ng mga imbestigador ng pamatay sunog.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Rivelino Renieva, 43, negosyante, nagmamay-ari ng Rowena Gallano Garment; misis nitong si Kristina Cassandra, 35, Dr. of Education; mga anak na sina Vrixen, 10; at kambal na si Bosry at Briton, 8 taon gulang.
Ayon sa ulat ni Magdalena Bureau of Fire Protection (BFP) chief, SFO3 Edwin Placente, 3:00 ng madaling araw nang lumiyab ang isang bodega sa harapan ng bahay ng pamilya at nadamay ang kanilang tahanan.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bunsod ng pagkalat ng malaking apoy. Umabot ng halos dalawang oras bago mapatay ng mga bumbero ang apoy.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog. (DICK GARAY)