Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush sa Kyusi

0 368

Advertisers

Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Culiat, Quezon Citi Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si P/Lt. Samad Baharan y Bapora, 53, may-asawa, tubong Basilan, nakatira sa No. 15 Libyan St., Salam Cmpd., Brgy. Culiat at nakatalaga sa Camp Crame.
Ayon sa report, 9:15 ng umaga nang  maganap ang pananambang sa biktima sa Tandang Sora Ave.
Sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo na Kawasaki Fury (3977NQ) at binabaybayan ang Tandang Sora Ave nang sabayan ito ng mga salarin lulan din sa motorsiklo at pinagbabaril.
Mabilis na tumakas sa hindi malamang direksyon ang mga salarin.
Hindi sinabi sa report kung papasok pa lamang sa trabaho o pauwi na si Baharan dahil malapit lamang sa kanyang tirahan ang pinangyarihan ng krimen.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at inaalam pa ang motibo sa pagpatay kay Baharan.
Napag-alam na bago ang insidente may nakasagutang kapitbahay ang biktima dahil sa problema sa tubo ng tubig sa kanilang lugar.
Isa sa tinitignan ng mga otoridad ang nasabing anggulo kung may koneksyon ito sa krimen.
Nabatid na kaka-promote lang din ni Baharan at nakatakda nang magretiro sa susunod na taon.
Sinisikap na ng mga tauhan ng barangay na makakuha ng ebidensya na maaaring tumukoy sa mga salarin, tulad ng CCTV footage.(Boy Celario)