Advertisers

Advertisers

Bangkay ng lalaking nakagapos ibinasura sa QC 

0 273

Advertisers

Natagpuang patay ang isang lalaking may tama ng bala at nakagapos ang mga kamay sa may gilid ng bahagi ng northbound lane ng EDSA sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Sa ulat, may suot itong itim na damit, maong na pantalon, at puting sapatos.

Pahayag ni Victor Osorio, public safety officer ng Pinyahan, inireport lang sa kanila ng mga tricycle driver na may narinig silang sunod-sunod na putok ng baril 10:00 ng gabi ng Biyernes, Setyembre 4.
Ayon sa awtoridad, nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at tatlong tama sa leeg ang lalaki habang nakuha sa crime scene ang pitong basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.(Boy Celario)