Advertisers
Arestado ang mag live-in partner sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. San Gabriel, Pamplona, Camarines Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Edelyn Bargo at Joel Sandoyogan.
Sa ulat, na-recover sa mga suspek ang apat na small heat-sealed transparent plastic sachet at isa pang large size heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na bust bust money.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspect para sa karampatang disposisyon.(PTF team)