Advertisers
Kalaboso ang 11 katao ang habang pumupusta sa derby ng gagamba sa Brgy. Fatima sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan.
Sa ulat, 3:50 ng hapon nang madakip ang mga suspek, at nakuha sa mga ito ang gradas ng gagamba, 20 buhay na gagamba, at P4,360 pesos na pusta.
Samantala, nadakip rin 7 katao habang nasa isang lugar ng tupada o illegal na sabong sa Brgy. Camanchin sa bayan ng Dona Remedios Trinidad.
Kabilang rin sa mga naaresto ang dalawang lalaki na sangkot sa sugal na tong-its sa Brgy. Malis Guiguinto Bulacan.(Thony D. Arcenal)