Advertisers

Advertisers

Mindanao solons, nais paimbestigahan ang pagpatay sa 9 na Kabacan farmers

0 253

Advertisers

INIHAIN ng ilang Muslim legisltors ang House Resolution 1183 na humihimok sa House Committee on Public Order and Safety at Committee on Muslim Affairs na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation sa pagkasawi ng siyam na local Muslim farmers sa Kabacan North Cotabato noong August 29, 2020 at ang posibleng pagkakasangkot ng ilang pulis dito.

Ayon kay Maguindanao Rep. Esmael Toto Mangudadatu, isa sa mga mambabatas na naghain ng resolusyon, kinokondena nila ang naturang insidente kung saan dalawa pa sa mga napaslang ay menor de edad.

Base aniya sa mga ulat, Ilang grupo ng kalalakihan ang humarang sa mga biktima sa kahabaan ng Aringay Rd. malapit sa University of Southern Mindanao, pinababasa mga sinasakyang motor at saka pinaputukan gamit ang high powered ammunitions.



Walo sa mga biktima ang agad na namatay habang ang pang-siyam ay sa ospital na binawian ng buhay.

Nakababahala rin aniya kung mapapatunayang mga pulis nga ang nasa likod ng krimen.

Kaya’t panawagan rin nito na magkaroon ng hiwalay at independent na ahensya na magsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Bukod kay Mangudadatu, kasama rin sa mga naghain ng resolusyon sina Deputy Speaker Mujiv Hataman; AMin Party-list Rep. Amihilda Sangcopan; Rep. Yasser Alonto Balindong; Rep. Munir Arbison; Rep. Rashidin Matba; at Rep. Ansaruddin Abdul Malik Adiong. (Henry Padilla)