Advertisers
SINIGURO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapaabot ng mga kakailanganing tulong sa mga nakaligtas at pamilya ng nawawalang Filipino crew members sa cargo vessel sa Japan.
“We are in touch with the next of kin of the crew and we are providing them all the help we can give, including the latest information on the search and rescue operation for our kababayans being done by Japanese authorities,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon sa kalihim, kilala na ang ikalawang nakaligtas sa Gulf Livestock 1 na si Jay-Nel Rosales, 30-anyos deck crew mula sa Cebu.
Batay sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office sa Osaka, nasagip si Rosales ng patrol boat Kaimon at dinala sa Kagoshima-ken Kenritsu Ooshima Hospital para sa kumpletong medical check-up.
Sinabi ng kalihim na nakausap na ni Rosales ang kaniyang pamilya sa Cebu.
Sinabi ng kalihim na binibigay ng POLO sa Japan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga nasagip na Filipino seafarer.