Advertisers
ISINUKO ang 20-anyos na lalaki ng kanyang ama kay Manila Mayor Isko Moreno, na itinuturong pumatay sa guwardiya noong Agosto 23, sa may Aroma Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila.
Unang nakipag-ugnayan kay P/Major Raul Salle si Joselito Prado, ama ng salarin na si Joshua Abao Prado, ng Bldg. 20 Aroma Temporary Housing, Vitas Street, Tondo, Maynila.
Nagpahayag ng intensiyon na sumuko ang salarin pero kay Moreno lamang nitong gustong sumuko para masiguro ang kanyang kaligtasan.
Nabatid na mula nang mapatay ni Prado ang biktimang si John Rey Lopez, security guard at taga Aroma Tondo, Maynila, walang tigil na nakakatanggap ito death threat kaya ipinasiya na nitong sumuko.
Isinuko rin ng salarin ang .38.kalibre baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.(ANDI GARCIA/JOCELYN DOMENDEN)